18/10/2020
🏡🏡HOME LOAN:Bank Financing Part 1🏡🏡
⛔Disclaimer: Long post ahead, take time to read if your buying a property thru bank financing.⛔
Hello Future Buyers/Clients, Existing Buyers/Clients,
Here's a simple idea and explanation para sa lahat ng gusto o bago kumuha ng bahay or nakakuha na ng bahay sa Phirst Park Homes or to any developer.
May mga client/buyer na OFW, Locally Employed and Self Employed, Naglilihim ng actual salary/income, civil status at credit information, bakit po ba ito mahalaga sa pagkuha ng bahay lalo na thru bank financing.
*PRE-QUALIFYING STAGE*
A.)*Salary Requirement or Required Gross Monthly Income (GMI)*
- Lahat ng developer/seller ay merong pre-qualifying stages na ginagawa during inquiry pa lang ni buyer/client sa property/project (mapa online inquiry, phone call at during official reservation), on those stages everyone must disclose the abovementioned details para maqualify ng maayos ang account kung bookable/bankable sa BANK dahil ang prequalification standards na ginanamit or iniimpose ng developer/seller ay based on BANK standards at minsan mas mataas pa sa kanila para masiguradong maaapprove ang account sa bank, ibig sabihin bawal maglihim ng ganitong detalye.
B.)*Civil / Marital Status*
- Ito pala dapat nilagay ko sa #1 dahil isa ito sa pinaka imporante (kidding aside), Lahat ng developer/seller ay nagtatanong regarding dito kung Single, Married at Legally Separated (annulled/divorce), Bakit po ba tinatanong ni developer/seller ang mga bagay na ito?
*AGAIN BAWAL MAGLIHIM, PERO BAKIT PO BA??*
*First* Dahil kung married ka na nung bumili ang property conjugal na ang property na binili mo, ibig sabihin sa hirap at ginhawa pareho kayo nakapangalan at may obligasyon sa property/bahay na kinuha mo, Kung ikaw ay married pero sumakabilang bahay ka pero nagpanggap kang single magkakaproblema sa **TITLE TRANSFER** ang property na kinuha mo and legally pwedeng habulin ng spouse mo.
*Second* Kung married ka pero dinisclosed po sa developer/seller na hiwalay or legally separated ka na hahanapan ka ng document na **COURT FINALITY** or **PSA Marriage Contract w/ Annotation** as proof na legally separated ka na, hindi po ina-acknowledge ang naka process pa lang na legal separation.
C.)*Credit Information*
- Isa rin ito sa information na pinakamahalaga at *BAWAL RIN MAGLIHIM*, nadidisapprove or nadedecline ang isang buyer/client kapag hindi nag disclose ng tamang information regarding credit information dahil unang una walang BANKO ang nagpapautang sa may bad record pagdating sa ganyan *(ganun ka rin naman siguro sa mga nangutang sayo cyst?)*
‼Mga bagay na ayaw ng bank‼
*Cancelled Credit cards* - dapat kung may cancelled credit card ka meron kang certification from the bank na maipoprovide na settled na ang obligasyon mo sa kanila,however that doesnt mean na 100% approvable ka na sa lahat ng banks, May Certain BANKS lang na nagaapprove ng loan sa mga ganitong cases HINDI LAHAT, kaya be careful sa pagkuha ng credit card.
*Existing Loan* - dapat ay wala ka rin bahay na buy back record sa ibang, dahil hindi lahat ng BANKS ay tumatanggap ng ganitong client/buyers, if may Existing dapat updated lang ang loan and ibinabawas lang ang monthly amortization sa Gross monthly income then dun mag based ng bagong GMI or NDI para sa salary requirement ng bank.
**Nabatak na sasakyan** - para itong kapareho ng bahay na buy back record sa bank, dapat ma disclosed din if meron or wala before mag reserve ng property.
**Criminal Record** - upon CMAP (which is very thorough process ng credit invetigation ni bank) dapat disclosed din ito sa developer/seller para maiinquire kung saang Bank inaapprove ang ganitong case/client, dahil hindi lahat ng bank ay nag aapprove at nag didisapprove ng ganitong account, merong bank na kapag matagal na ung record narereconsider at najustify ang mga bagay bagay at naaapprove, may bank na hindi talaga nag-approve ng ganitong account.
PS in short since magkakaiba po ang tao/client/buyer we cannot compare ourselves or our account to one another dahil may iba't ibang parameter at treatment ang BANK per classification ng buyer,ika nga "you cannot compare apple to oranges", yes may mga bagay sila na same standards pero hindi lahat, may mga client na naaapproved sa BDO pero na decline sa SECURITY BANK (vice versa). All we can do is trust our sellers, account officer hanggang mapa approve ang account sa kahit anong bank, ang lahat ng nabanggit ay based sa first hand experience sa bank processing at galing mismo sa bank loan officer.
Hanggang dito na lang muna, will post updated/part 2 of this topic, for more information you may drop your concern or question to comment box below or DM me.
Yours Truly,
Arvie Mapagmahal
CTTO
Have a blessed weekend to everyone!