Home Guide - by Samuel Calma

Home Guide - by Samuel Calma Your Guide to your Real Estate Investment.
- Accredited / License
- Real Estate Salesperson
- 🇵🇭 PRC # 1731 - DHSUD # S - 182
- Guide Searh Realty # 865

Lynville at Sto. Tomas near Padre Pio !
16/05/2026

Lynville at Sto. Tomas near Padre Pio !

11/04/2026

SouthPoint Villas in Alaminos, Laguna !
- 3 Bedrooms townhouse
- FREE Move in FEE
- FREE Water and Light connections!
- Flood free location
- Green Environment
Msge uS !
Samuel Calma
Prc # 1731 - DHSUD
Accredited- License Salesperson murangpabahaythrupagibig

10/04/2026

SouthPoint Villas in Alaminos, Laguna !
- 3 Bedrooms townhouse
- FREE Move in FEE
- FREE Water and Light connections!
- Flood free location
- Green Environment
Msge uS !
Samuel Calma
Prc # 1731 - DHSUD
Accredited- License Salesperson 😻

09/04/2026

SouthPoint Villas- Alaminos, Laguna ! 3 bedrooms provisions townhouse- FREE MOVE IN FEE - Free water and light connections!
Real Estate Salesperson 🏡😻🏠

Congratulations Lita Hornales fr : Home Guide - by Samuel Calma Thank you for your support 🏠😻🏡
07/04/2026

Congratulations Lita Hornales fr : Home Guide - by Samuel Calma
Thank you for your support 🏠😻🏡

Malaya Sila - Unconquerable 🏕️🧗‍♂️🏕️ PLEASE READ 😻
02/04/2026

Malaya Sila - Unconquerable 🏕️🧗‍♂️🏕️ PLEASE READ 😻

Nakakalungkot na sa panahon ngayon, ginagamit pa ring pang insulto ang salitang 'Igorot.'

Kapag may gusto silang laitin, sasabihan nila ng 'Mukha kang Igorot,' 'Hampaslupa,' paravkang Igorot 'Ignorante.' .

Pero sa halip na magalit, mas nangingibabaw ang awa ko sa kanila.

Bakit? Dahil ang taong ginagamit ang aming lahi bilang pang insulto sa iba ay mga walang alam sa tunay na ginto ng kasaysayan ng Pilipinas.

Hindi sila masama—sadyang 'ignorante' lang sila sa katotohanan.

Kaya bilang isang proud Igorot OFW dito sa HK, hayaan ninyong i-educate ko kayo tungkol sa lahing hindi kailanman nagpasupil.

1️⃣ ANG MGA IGOROTS AY "UNCONQUERED" (HINDI KAILANMAN NASAKOP NG MGA BANYAGANG MANANAKOP NG PILIPINAS) 🛡️⚔️

✅️Habang ang halos buong Pilipinas ay naging kolonya (sinakop,nasakop) ng Espanya sa loob ng 333 years, ang mga Igorot ay HINDI kailanman tuluyang napasuko. NEVER.

✅️FACT: Noong 1601, sa Battle of Igorots, tinalo ng aming mga ninuno ang higit 3,000 sundalong Kastila.

✅️WHY IT MATTERS: Dahil sa kanilang tapang, napanatili namin ang aming purong kultura, wika, tattoos, at tradisyon. Kung gusto niyo makita ang mukha ng "Tunay na Pilipino" na hindi nabura ng dayuhan—tumingin kayo sa amin.

✍️Source: William Henry Scott, "The Discovery of the Igorots.

🛡️ ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PAGIGING "UNCONQUERED" 🛡️
Bakit natin sinasabing HINDI KAILANMAN NASAKOP ang mga Igorot?

Hindi lang ito kwento-kwento; ito ay nakatala sa ating kasaysayan. Narito ang mga "Educational Facts" na dapat nating ituro sa mga hindi nakakaalam:

✅️. ANG MGA IGOROT AY HINDI SILA "COLONIAL SUBJECTS"

Sa loob ng mahigit 300 taon, habang ang malaking bahagi ng Pilipinas ay nagbabayad ng TRIBUTO (buwis) at sapilitang nagtatrabaho para sa Espanya, ang mga Igorot (kasama ang ating mga kapatid na Muslim sa Timog) ay nanatiling MALAYA. Habang ang iba ay sumunod sa batas ng dayuhan, ang mga Igorot ay namuhay ayon sa sariling tradisyon at batas sa kabundukan.

✅️⚔️ . ANG MAKASAYSAYANG BATTLE OF 1601

Noong Nobyembre 1601, nagpadala si Governor-General Francisco de Tello de Guzmán ng isang malaking ekspedisyon na pinamunuan ni Mateo de Aranda. Ang layunin nila? Sakupin ang mga bundok at kunin ang ginto. Pero ano ang nangyari? BIGO SILA. Natalo ng mga Igorot ang pwersang ito, na nagpatunay na hindi basta-basta ang depensa ng ating mga ninunong IGOROT.

✅️🎖️ . LABAN SA "3,000" NA SUNDALO

Ang pwersang ipinadala ng mga Kastila ay hindi biro. Binubuo ito ng mga sundalong Kastila at libo-libong "native allies" (mga kapatid nating Pilipino mula sa kapatagan na pinuwersang sumama sa gyera). Sa kabila ng dami at modernong armas ng kaaway, nanaig ang galing ng mga Igorot sa Guerilla Warfare at kaalaman sa kanilang lupain. Isang malaking tagumpay ito para sa soberanya ng Pilipinas!

✅️💎 . ANG "GOLD STANDARD" NG KASAYSAYAN: WILLIAM HENRY SCOTT

Lahat ng impormasyong ito ay hindi galing sa Facebook lang. Ito ay base sa pananaliksik ni William Henry Scott, ang kinikilalang "Gold Standard" pagdating sa kasaysayan ng Cordillera. Ang kanyang aklat na "The Discovery of the Igorots" ang nagpapatunay na ang ating lahing IGOROT ay hindi kailanman nagpasupil.. WARRIOR IN THE BLOOD.

2️⃣ MGA GENIUS NG SINAUNANG ENGINEERING 🏗️🌾

Tinatawag niyo kaming "hampaslupa"? Ang aming mga ninuno ang arkitekto ng Banaue Rice Terraces mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas.

HISTORY: Gamit lang ang kanilang mga KAMAY at simpleng kagamitan, inukit nila ang bundok para maging sakahan.

TRIVIA: Kung pagdudugtungin mo ang bawat baitang nito, aabot ito sa 12,500 miles—sapat para umikot sa kalahati ng mundo! Itinuturing itong "8th Wonder of the World." Sino ang "ignorante" ngayon? Ang aming mga ninuno ay Masters of Physics at Irrigation! 💧

3️⃣ ANG LEGENDARY QUOTE NI GEN. DOUGLAS MACARTHUR 🎖️🔥

Noong World War II, ang mga Igorot warriors ay naging susi sa pagpapalayas sa mga Hapon sa Battle of Bessang Pass.

Nabilib ang buong mundo dahil kahit walang pormal na training o sapatos, sumasabit sila sa mga tanke para lang makipaglaban.

FACT: Sabi ni Gen. MacArthur: "Give me ten thousand Igorots and I will conquer the world."

HEROES: Sila ang mga "Igorot Scouts" na kinatatakutan ng mga kaaway dahil sa kanilang galing sa jungle warfare.

4️⃣ ANG MAKULAY NA "FAMILY TREE" NG CORDILLERA 🗺️🧺

Ang salitang "Igorot" ay hindi lang iisang grupo. Ito ay binubuo ng 6 na dakilang probinsya na may kanya-kanyang yaman:

📍 ABRA : Ang mga "Natural Dye Masters" at eksperto sa Pinilian Weaving. Ang bawat hibla ng kanilang tela ay may katumbas na dasal at kwento.

📍 BENGUET (Ibaloi & Kankanaey): Ang "Salad Bowl of the Philippines." Tahanan din sila ng mga Fire Mummies sa Kabayan—isang sinaunang sining ng mummification na mas matanda pa sa ilang pyramids!

📍 MOUNTAIN PROVINCE (Bontoc): Ang mga orihinal na warriors. Kilala sila sa kanilang "Ato" o traditional governance na mas nauna pa sa demokrasya ng Kanluran.

📍 IFUGAO (Ifugao): Ang mga tagapangalaga ng Rice Terraces at masters ng Wood Carving. Sa bawat ukit, may kasaysayan.

📍 KALINGA (Kalinga): Kilala sa kanilang tapang at sa sining ng "Batok" (traditional tattoo). Tahanan ng ating National Living Treasure, si Apo Whang-od.

📍 APAYAO (Isneg): Sila ang mga "River People" na kilala sa kanilang sining at matibay na paninindigan sa kanilang lupang ninuno.

5️⃣ ANG SALITANG "IGOROT" AY TITULO NG DANGAL 👑⛰️

Ang salitang Igorot ay mula sa "i" (tao) at "golot" (bundok). Sa madaling salita: "TAO NG BUNDOK.

🍃Ang nakakalungkot na realidad kasi. Hindi lang sa social media, kundi pati sa mga textbooks at modules na dapat sana ay nagtuturo ng tama, ay may mga maling paglalarawan (stereotypes) na lumabas about IGOROT kaya madalas ginagamit ang igorot na halimbawa kapag may gusto silang laitin.

KUNG ANG MISMONG LIBRO NGA NATIN SA SKWELAHAN AY MALI, PAANO PA ANG MGA TAONG HINDI NAGBABASA?📖🛑

Nakakalungkot na hanggang sa mga school modules ng mga bata, ang salitang 'Igorot' ay ginagamit na halimbawa ng pagiging 'iba' o 'panlait.' Kaya hindi ko sinisisi ang mga taong nagsasabing 'Mukha kang Igorot' bilang pang insulto—bagkus sobrang NAAAWA ako sa kanila.

Bakit? Dahil biktima sila ng maling edukasyon at maling karunungan. Sila ang mga taong kulang sa knowledge sa tunay na galing, yaman, at tapang ng mga Igorot.

wag natin sila Ibash . Sa halip, E educate natin sila kasi mali ang nakuha nilang info.

🛑 Ang mga Maling Halimbawa sa Libro about Igorot:

Ang "Curly Hair" Stereotype:
Noong 2021, naging viral ang isang module kung saan inilarawan ang Igorot na: "Isa akong Igorot. Kulot na kulot ang itim kong buhok." Ito ay maling-mali dahil ang mga Igorot ay karaniwang may diretso o wavy na buhok, tulad ng karamihan sa mga Pilipino.

🔺️Diskriminasyon sa Paglalaro: May isa ring module (Edukasyon sa Pagpapakatao) na nagtanong sa bata kung tama o mali ang statement na: "Hindi ako makikipaglaro sa aking kaklase na Igorot dahil iba ang kanyang pananamit." Bagama't ang sagot ay "Mali," ang mismong paggamit sa Igorot bilang halimbawa ng taong dapat "iwasan" o "kaawaan" ay nagtatanim ng maling idea sa mga bata.

🔺️"Panget" at "Walang Pinag-aralan": Madalas ding ipakita sa mga lumang ilustration na ang mga Igorot ay laging madungis o hindi marunong magbasa, gayung ang Cordillera ay isa sa mga region na may pinakamataas na literacy rate at maraming professionals na nagta trabaho sa ibang bansa.

Maging sa ilang textbooks at modules sa elementarya, maling-mali ang paglalarawan sa mga IGOROT—na kesyo ang mga Igorot ay laging madungis, kulot ang buhok, o walang pinag-aralan. Kung ang mismong libro ay mali, hindi kataka-takang marami ang nagiging "ignorante" sa sarili nating lahi .

✅️Kakulangan sa Edukasyon: Marami pa rin ang hindi alam na ang mga Igorot ay may mataas na antas ng sibilisasyon bago pa man dumating ang mga mananakop ng Pilipinas.

✅️Mga Bayani at Mandirigma
Hindi lang sila basta taga-bundok; sila ay mga tunay na warrior.
Noong World War II, malaki ang naging papel ng mga Igorot guerrillas sa pagpapatalsik sa mga Hapon sa bansang Pilipinas.
Ngayon, kilala rin sila sa mundo ng sports (gaya ng MMA) at sa iba’t ibang propesyon tulad ng pagiging doktor, abogado, at sundalo.

Kaya kapag sinabi mong "Mukha kang Igorot," para mo na ring sinabing:

✅ Mukha kang Matapang
✅ Mukha kang Matalino
✅ Mukha kang Malaya
✅ Mukha kang MAYAMAN sa kasaysayan

✨: ✨
Kapag sinabihan mo ako o ang sinuman ng "Mukha kang Igorot," sasagot ako nang nakangiti ng: "THANK YOU!" 😊
Dahil ang ibig sabihin niyan, kamukha ko ang mga bayaning hindi sumuko sa dayuhang mananakop ng Pilipinas, kamukha ko ang mga genius na gumawa ng Rice Terraces, at kamukha ko ang mga taong may tunay na DANGAL. ✊❤️

Huwag tayong maging ignorante sa sarili nating kalahi. Respeto para sa lahat ng tribo! 🏳️‍🌈⛰️💪

✨ Ang pagiging Pilipino ay hindi nasusukat sa puti ng balat o ayos ng mukha, kundi sa paggalang sa ating mga pinagmulan.

I-share natin ito para wala ng maging ignorante sa kapag ginamit ang IGOROT❤️✊

✍️ Ofw Hugot

14/03/2026

Plain Crest Subdivision 2 Tanauan City 🏠😻🏠 SouthPoint Villas- Alaminos- Laguna

05/03/2026

Plain Crest Subdivision 2
Tanauan City , Batangas

21/02/2026

Plain Crest Subdivision 2! TANAUAN, Batangas

17/02/2026

Happy 😻 CNY 💕😻🍷

Address

Berkeley Heights Subdivision
Santa Rosa
4026

Telephone

+639086325955

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Home Guide - by Samuel Calma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category