13/05/2023
"BUHAY MAGSASAKA"
Maagang gumigising,
Para aking punlang Palay ay bisitahin.
Sa pagkat ako'y magtatabas na,ng aking pilapil
Buong paligid ng bukid koy aking ng lilinisin...
Sapagkat pag-agos ng patubig,akin ng aararuhin.
Pagkatapos aaruhin ay aking namang susuyudin
Hanggang sa itoy aking maihanda,
Bago ako magpatanim.
Napakaraming proseso,ang gugu-gulin,
Dugo't pawis at pagod ang dadanasin.
Nadiyan pa mga peste at insekto,
Na maaaring sumira sa pananim mo.
Sasabayan pa ng malakas Bagyo,
Na ikakasira at ikadadapa ng mga tanim mo.
Kaya di ka parin nakakasiguro.
Halos mahigit tatlong buwan na hihintayin,
Bago ang iyong Palay na tanim ay tuluyang anihin.
Tapos ang presyo pa ay mababa
Kaya ikaw talaga ay mapapaluha
Kaya sa ating Gobyerno
Bigyan nyo naman ng pansin aming reklamo
Panawagan na din sa ating mahal na Pangulo,
Na sanay bigyan pansin naman sa senado
Na tanggalin na ang "Rice Tarrification law"
Sa pagkat di biro ang aming hirap
Para tuparin ang aming mga pangarap,
Para sa aming tuluyang pagsisikap...
Para sa kinabukasan ng aming mga Anak
Na pagdating ng panahon,na meron na silang magandang tinatahak...
DENNIS HILARIO FLORES