13/01/2026
Reminder:
Kaugnay po ng pagbabago sa APECHOMES Sariaya Pag-IBIG monthly amortization under the 4PH Program, ang computation po ay naka-base na ngayon sa 3% interest rate, dahil ito po ang pinaka-safe at realistic na computation para sa ating mga buyers.
Ang unang computation na na-release po natin ay naka-estimate sa 1%, subalit may posibilidad po kasi na sa panahon ng actual application kay Pag-IBIG ay wala nang available na pondo mula sa DHSUD. Kapag hindi po nagkaroon ng subsidy mula sa DHSUD, hindi na po maa-avail ang 1% interest rate.
Kaya mas mainam po na ang i-release natin ay 3%, at ito ang mag-reflect sa Reservation Agreement (RA). Bagama’t nagpapapirma naman tayo ng conformity, karamihan po ng buyers ay mas tumitingin at nagba-base sa RA.
Sakaling sa actual application po kay Pag-IBIG ay ma-avail ang 1% interest rate, automatic naman po itong magre-reflect sa final computation ni Pag-IBIG.