05/04/2025
Bakit maganda talagang bumili ng Mt Zion Sariaya Memorial Lot nang maaga?
Kasi isipin mo, habang tumatagal, tumataas ang presyo. Kung bibili ka ngayon, mas makakamura ka kaysa maghintay pa ng ilang taon tapos mas mahal na.
Isa pa, mas magaan sa pamilya kung may nakahanda na. Ang hirap kapag may biglang pumanaw tapos wala pang memorial lot—stress na nga ang lahat, ang dami pang kailangang ayusin at bayaran. At alam mo naman, sa panahon ngayon, ang gastos ng biglaan ay mabigat talaga.
At isa pang magandang dahilan—investment din ‘to. Ang mga memorial lot, tumataas ang halaga. Kung sakali hindi mo pa gagamitin, puwede mo itong ipamana o ibenta sa mas mataas na presyo.
Higit sa lahat, gusto naman natin ng maayos at disenteng lugar para sa ating mahal sa buhay, ‘di ba? Kaya habang may pagkakataon, magandang paghandaan na ‘to. Hindi lang para sa sarili mo, kundi para rin sa pamilya mo.