25/03/2017
BABALA: Mahaba ang Caption pero sulit naman 😂 Tanong ng isang kaibigan ko, Alin sa dalawa ang tamang pangungusap? 1) Kaya ka mahirap ay dahil ganyan mag-isip! 2) Kaya ka ganyan mag-isip ay dahil Mahirap ka! Ang hirap palang sagutin. Isa lang ang sigurado ako, kung gusto nating ang buhay ay mabago- kailangan munang baguhin ang ugali, pananaw sa buhay at matutong sumunod sa mga alituntuning umiiral. Kuha ang selfie ko na ito sa Disiplina Village sa Bignay, Valenzuela. Ang ganda, hano? May mini-city hall, may health clinic, may pulis, may bumbero, may eskuwelahan. Pawang mga dating squatter ang nakatira rito. Malaki ang pagkakaiba sa dating tirahan sa tabing ilog o estero. Kaya lang, mahigpit ang mga tuntunin. Bawal ang madumi, bawal ang mag-iinuman sa hallway, bawal ang magsasampay sa bintana o labas ng bahay, bawal ang magsusugal at at bawal ang hindi magbabayad ng upa na 300 pesos kada buwan. Kung hindi mo kayang sumunod sa alinman sa mga tuntuning ito, puwede kang umalis. Kung ayaw mong madisiplina, wala kang puwang sa lugar na ito. In-city relocation ang tawag dito. Sabi ni Mayor Rex Gatchalian, puwedeng magkaroon ng housing project na Hindi na kailangang Lumayo sa trabaho ang mga benepisyaryo. Kung puwede sa Valenzuela, puwede rin sa ibang lugar sa Metro Manila. Mas maganda ang kamada ng kuwento sa Tapatan ni Tunying sa Biyernes ng gabi pagkatapos ng Bandila.