31/07/2026
GRAND HOUSE OPENING PARA SA 'KAYA HOMES' NG FIESTA COMMUNITIES SA SUBIC, ISINAGAWA!
Pormal nang inilunsad ng FIESTA Communities ang pinakabagong proyekto nito na KAYA Homes by FIESTA Communities sa Brgy. Pamatamawan, Subic, Zambales, na layong mag-alok ng abot-kaya at de-kalidad na pabahay para sa mga pamilyang Pilipino. Anila, ang bagong proyekto ay idinisenyo para sa mga manggagawang Pilipino na naghahanap ng sariling tahanan sa presyong abot-kaya at may maayos na lokasyon.
Sa ginanap na Grand Open House ngayong araw, Hulyo 20, ipinakilala ng FIESTA Communities sa mga bisita ang mga feature ng proyekto, financing options, at pang-matagalang layunin ng development. Kabilang sa mga aktibidad ang audio-visual presentation, project launch, ribbon cutting, house blessing, at paglilibot sa mga model units.
Binigyang-diin ni FIESTA Communities President and Chief Executive Officer Atty. Christoper Ryan Tan at ng iba pang opisyal ng kumpanya ang adhikain nilang makapaghatid ng mas maraming homeownership opportunities para sa mga pamilyang Pilipino. Ipinakita rin sa programa ang mensaheng ang bagong proyekto ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kumpanya na makabuo ng mga komunidad na sustainable, accessible, at makabuluhan para sa mga ordinaryong manggagawa.
Jul 31, 2026 | Jack Solano
88.7 MHz β K5 News FM Olongapo
Mabibili Sa Lahat Ng Branches Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar