30/12/2025
Isang malaking karangalan ang mapabilang dito sa "Gabi ng parangal at pagpupugay 2025"
taos puso po kaming nagpapasalamat sa butihing punong barangay, Hon Roel Weng Pacayra at sa buong konseho ng baranggay gayun din sa ating kagawad goma cruz IV salamat sa pag imbita sa programang ito pati na din sa ating SK Chairwoman na si Junelyn tabanao.
(share lang po namin)
Bata palang kami ang KANAPU5
(Kabataang Nagkakaisa ng Purok-5) na mga nagpapalaro tuwing fiesta dito sa lugar namin dito sa vp.cruz st. purok 5 lower bicutan taguig city.
naalala din namin sila din yung dinarayo ng iba pang kabataan noon dahil dito lang sa lugar namin noon ang may palosebo at basketbolan sila din ang nagpapaparty noon dito taong 90's
hanggang sa nagkaedad kami napagpaplunahan at napagisipan namin na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan , Noong 2015 nung una naming sinubakan ang magpalaro hanggang sa sumunod sunod na ang aming iba't ibang proyekto tulad ng "libreng pagupit , Libreng school supplies , Gift giving tuwing kapaskuhan , feeding program at pagpapalaro tuwing kapistahan sa aming street o nasasakupan
At ito kami ngayon isang dekada na (10years)
walang hanggang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa aming samahan lalo na sa mga nauna kakilala kaibigan at aming pamilya
itong "PLAQUE" na ito ay isang simbolo ng ating tagumpay dahil sa ating sipag , tiyaga at pagkakaisa. Nawa'y magsilbing inspirasyon pa tayo ng mga susunod na henerasyon
YOUTH EMPOWERMENT & OUTREACH EXCELLENCE AWARD
Kagawad Ricardo "Goma" R. Cruz IV
Barangay Lower Bicutan
Sangguniang Kabataan - Lower Bicutan, Taguig
❤️