12/04/2026
https://www.facebook.com/share/p/18Xm3oauGb/
Kung kailangan mo pang mandaya para yumaman, hindi ka successful
Diretsahan na.
Kung kailangan mong mandaya para kumita,
hindi ka successful.
Pwedeng may pera ka.
Pwedeng parang angat ka.
Pero hindi yun ang totoong sukatan.
Kasi ang tunay na success,
may kasamang integridad.
Kung ang paraan mo ay panlalamang,
hindi ka nananalo.
Nagtatago ka lang sa itsura ng success.
Una, hindi mo kayang tumayo nang buong tapang.
Kasi alam mong may tinatago ka.
Pangalawa, hindi ka stable.
Kasi yung pundasyon mo, hindi matibay.
At kahit gaano kataas ang naabot mo,
kung mali ang base, babagsak yan.
Pangatlo, hindi ka fulfilled.
Kasi kahit anong ipakita mo sa iba,
alam mo sa sarili mo kung paano mo nakuha.
Hindi mali ang yumaman.
Pero mali ang paraan na nanlalamang.
Kasi ang tunay na success, hindi lang kita.
Character din.
“The integrity of the upright guides them, but the unfaithful are destroyed by their duplicity.” – Proverbs 11:3
Ang taong may integridad,
may direksyon.
Pero yung nandadaya,
sariling gawa niya rin ang sisira sa kanya.
Kaya kung pipili ka,
hindi lang sa pera tumingin.
Piliin mo yung paraan na kaya mong panindigan.