19/06/2026
GOOD NEWS, Pag-IBIG Members. 💙
Pag-IBIG just lowered housing loan interest rates to as low as 4.5% per annum.
Ang tanong "Paano mag-qualify dito?"
Para ma-avail ang 4.5% reduced interest rate, kailangan mong ma-meet ang specific requirements ng Pag-IBIG:
✅ First-time homebuyer
✅ Active Pag-IBIG member na may at least 12 monthly savings (maaari ang lump sum kung new member)
✅ Not more than 65 years old sa panahon ng application, at hindi lalampas ng 70 years old kapag natapos ang loan
✅ Walang arrears sa kahit anong Pag-IBIG Short-Term Loan
✅ Walang Pag-IBIG housing loan na na-foreclose, na-cancel, o voluntarily surrendered
✅ Para sa locally employed, ang gross monthly income ay hindi dapat lalampas ng ₱47,855.82 (nagtatrabaho sa NCR) o ₱34,685.82 (outside NCR)
✅ Ang OFWs ay maaaring mag-qualify kahit magkano ang kanilang gross monthly income
Marami ang excited sa mababang interest rate.
Pero ang mas mahalagang tanong:
"Qualified ba ako?"
Gagawa ako ng detailed video para i-explain anong properties ang pasok sa bagong promo na'to at kung paano ito makaka-apekto sa monthly amortization mo.
👉 Comment "EXPLAIN" at make sure to follow para hindi mo ma-miss ang video.