29/04/2025
Hello! May balak ka po bang bumili ng bahay sa tulong ng Pag-Ibig Housing Loan?
Ito po ay Simpleng Gabay sa Pagkuha ng Pag-IBIG Housing Loan
1. Kailangan Miyembro Ka ng Pag-IBIG at May Sapat na Hulog
Kailangan ay rehistradong miyembro ka ng Pag-IBIG Fund.
Dapat ay may hindi bababa sa 24 buwang kontribusyon (kahit ikaw ay empleyado o self-employed).
Para sa mga pre-selling na proyekto, karaniwan ay may mahabang hulugan sa downpayment (hanggang 30 buwan), kaya kahit bagong miyembro, maaari ka pa ring mag-apply ng loan.
Kung ang property ay Ready for Occupancy (RFO) na, kailangan mong bayaran ng buo (lump sum) ang kakulangan sa 24 buwan na kontribusyon bago ka makapag-loan.
Kung ikaw ay self-employed, ang halaga ng kontribusyon mo ay nakadepende sa kinikita mo.
Maaari mong bisitahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon:
https://www.remotestaff.ph/blog/remote-workers-complete-guide-voluntary-sss-philhealth-pag-ibig-contributions/
(Siguraduhing i-double check ang impormasyon sa link.)
---
2. Kailangan May Kakayahang Pinansyal na Bumili ng Ari-arian
Sapat ba ang iyong buwanang kita para sa buwanang hulog (amortization) ng loan?
Maaari mong gamitin ang Pag-IBIG Loan Calculator upang malaman kung pasok sa budget ang buwanang bayad:
https://www.pagibigfundservices.com/ac/
---
3. Kailangan Makapasa sa Background at Credit Check
Sinasagawa ng Pag-IBIG ang credit investigation upang matiyak ang kakayahan mong magbayad.
Kung may dati kang loan sa Pag-IBIG, susuriin nila ito.
Kung may hindi nabayarang loan o hindi maayos ang record, maaari itong makaapekto sa approval ng iyong bagong loan.
---
4. Limitasyon Ayon sa Edad at Tagal ng Loan
Ang loan ay dapat bayaran nang buo bago ka tumungtong sa edad na 70.
Ang maximum na taon ng loan ay nakadepende sa iyong edad:
Kapag 40 taong gulang, hanggang 30 taon ang loan term
Kapag 50 taong gulang, hanggang 20 taon ang loan term
Kapag 65 taong gulang, hanggang 5 taon lamang ang loan term
Accredited Salesperson - Jobby B. Gonzales
PRC No. 24873 (6/6/2025)
PTR OR # 5614068 (12/31/2024)
09178226080 (Viber & Whatsapp)
Under Licensed Broker Bobby Gonzales
PRC License No. 0007672
ID NO. 20-4511397 (10/29/2025)
PTR OR # 5615242 (12/31/2024)
If Any of you ave any diseases or anything bothering your body, just want you to know that Jesus loves you and eants to heal you. You can also PM me and he will heal you!