04/08/2026
π§ MALAKING BALITA PARA SA BATANGAS AT QUEZON! π£οΈ
Malapit nang magbukas ang unang bahagi ng SLEX TR4 (Toll Road 4) bago matapos ang taon!
Ano ang ibig sabihin nito para sa ating lahat?
β
Mas mabilis na biyahe sa pagitan ng Sto. Tomas, Batangas at Tiaong, Quezon
β
Mas kaunting oras sa traffic
β
Mas mabilis na paggalaw ng negosyo, turismo, at kalakalan
β
Mas tataas ang accessibility ng mga komunidad at mga real estate developments sa Batangas at Quezon
Ang SLEX TR4 ay isa sa pinakamahalagang infrastructure projects sa Southern Luzon. Inaasahang malaking ginhawa ito para sa libu-libong motorista at magbibigay ng bagong oportunidad sa mga pamilya, negosyante, at property investors. Ayon sa Department of Transportation, target na mabuksan ang unang tatlong package ng proyekto bago matapos ang 2026.
π‘ Kapag dumarating ang malalaking infrastructure projects, kadalasang sumusunod ang pagtaas ng accessibility at pag-usbong ng mga komunidad.
RONALD L. MACAISA
PRC ACCREDITED
REAL ESTATE SALESPERSON
Res # 86 of 2026
Landscope Realty Services
09078176444
FB:ronald.macaisa
BATANGAS TO QUEZON: UNANG BAHAGI NG SLEX TR4, BUBUKSAN BAGO MAGTAPOS ANG TAON
Inaasahang bubuksan bago matapos ang Disyembre ang unang tatlong package ng South Luzon Expressway Toll Road 4 (SLEX TR4) na sasaklaw mula Sto. Tomas, Batangas hanggang Tiaong, Quezon, ayon kay Transportation Secretary Giovanni βBanoyβ Lopez.
Kapag naging operational, mababawasan sa 30 minuto mula halos dalawang oras ang biyahe sa pagitan ng Sto. Tomas at Tiaong. Sa oras namang makumpleto ang buong proyekto, magiging isang oras na lamang ang biyahe mula Batangas hanggang Lucena City mula sa kasalukuyang apat na oras.
Tinatayang 17,000 motorista ang makikinabang araw-araw sa P58.4-bilyong SLEX TR4 project.
Source: Remate