03/01/2021
May nag tanung lang kung anu ang kaibahan ng AT ..mas mura at madali lang daw kc process ng legal separation kaisa annulment..ito po sagot down..(welcome any opinion)..
"ALAM MO BA ANG PAGKAKAIBA NG ANNULMENT OF MARRIAGE, LEGAL SEPARATION, DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE, DIVORCE, JUDICIAL RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE AT JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH?"
ANG ANNULMENT OF MARRIAGE, DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE, DIVORCE, JUDICIAL RECOGNITION OF FOREIGN DIVORCE AT JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH AY PAREHO SA EPEKTO NG DESISYON KUNG SAAN NAWAWALA ANG BISA NG KASAL. ITO AY KAKAIBA SA EPEKTO NG DESISYON SA LEGAL SEPARATION KUNG SAAN HINDI NAWAWALA ANG BISA NG KASAL NGUNIT PINAGHIHIWALAY LANG SILA SA BAHAY AT ARI-ARIAN.
Ang "Annulment of marriage" (Art. 45-47 of Family Code) ay ang proseso sa korte kung saan pinapatunayan na ang kasal ay isang "voidable marriage". Ang voidable marriage ay isang kasal na valid sa una ngunit ito ay may depekto pagdating sa consent ng isa sa mga kasal dahil sa walang parental consent, pananakot o pagbabanta o pikot, fraud o pagtatago ng conviction ng crime, homosexuality/lesbianism o drug addiction o sexually transmitted disease at kawalan ng pisikal na kakayahan na makipagtalik. Ito ay tinatawag na voidable marriage dahil may option ang isa sa apektadong asawa na magsampa ng kaso sa korte within 5 years para ipawalang bisa ang kasal.
Ang "Declaration of Nullity of Marriage" (Art. 35-38, 53 of Family Code) ay ang proseso sa korte kung saan pinapatunayan na ang kasal ay isang "void marriage". Ang void marriage ay isang kasal na invalid sa una pa lang at walang bisa dahil ito ay may kawalan ng isa sa mga formal o essentail requirement ng isang valid na kasal katulad ng legal capacity (underage), lack of marriage license, lack of authority of solemnizing officer o yong nagkasal at iba pa tulad ng lack of marriage ceremony. Bagamat ito ay walang bisa sa simula, ang kasal na ito ay kailangan dumaan sa korte para mapawalang bisa kung magpapakasal muli sila. Kung ang purpose naman nila ay hindi para magpakasal muli at ang purpose ay sa ibang bagay, ang kawalan ng bisa ng kasal ay pwedeng gamitin ayon sa Article 40 ng Family Code.
"Art. 40. The absolute nullity of a previous marriage may be invoked for purposes of remarriage on the basis solely of a final judgment declaring such previous marriage void."
Ang "Divorce" naman ay proseso kung saan nawawala ang bisa ng kasal dahil sa kasunduan ng mag-asawa o dahil sa malubhang ground katulad ng pananakit, pakiki-apid o marital infidelity. Walang batas ng divorce sa Pilipinas except ang Muslim divorce na kinikilala under Presidential Decree No. 1083 otherwise known as the "Code of Muslim Personal Laws of the Philippines" kung ang kasal ay between Filipino Muslims under Muslim rites. Ang divorce na kinuha ng isang Filipino sa ibang bansa ay walang bisa at walang epekto sa Pilipinas at mananatiling kasal siya. Ang Personal and Family Law ng Pilipinas ay based sa Nationality Rule o Nationality Theory na nasa Article 15 ng New Civil Code natin na “laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad." Ibig sabihin, ang batas ng Pilipinas tungkol sa karapatan at obligasyon sa pamilya, estado, kundisyon at kapasidad na legal ay nakatali o nakakabit o applicable sa lahat ng Filipino kahit sila ay nakatira sa ibang bansa. Kahit nasaan ka mang panig ng mundo, kung ang status mo sa Pilipinas o bilang Filipino ay “married” ay considered na married ka pa rin saan ma at Philippine courts lang ang pwede magpawalang bisa ng kasal mo. Dahil ang batas ng Pilipinas ay sumusunod sa Nationality Rule o Theory, anumang divorce ang kinuha ng isang Filipino sa ibang bansa ay walang epekto sa Pilipinas at considered na kasal pa rin ito. Ang divorce decree na kinuha sa ibang bansa ng isang Filipino ay hindi irerehistro ng National Statistics Office (NSO) dahil ito ay walang bisa sa batas ng Pilipinas.