10/06/2026
TANZA PUBLIC HOSPITAL,MALAPIT NANG MAGBUKAS
TANZA, Cavite – Malapit nang matapos ang konstruksyon ng Tanza Public Hospital na matatagpuan sa loob ng Tanza Government Center, isang proyektong inaasahang magpapalapit ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng isa sa pinakamataong lugar sa bayan.
Ipatutupad sa ospital ang “No Cashier, Zero Billing” policy upang matiyak na magiging mas abot-kamay at accessible ang serbisyong medikal para sa publiko.
Ayon sa pamahalaang lokal, matagal nang pangarap ng mga residente ang pagkakaroon ng karagdagang pampublikong pagamutan sa Tanza. Ngayon, unti-unti na itong nagiging realidad at inaasahang magbubukas sa mga susunod na buwan.
Itinuturing din ang proyekto bilang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng healthcare infrastructure sa bayan, na magbibigay-priyoridad sa mas mabilis, episyente, at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa lumalaking komunidad ng Tanza. #
Source: Metro Cavite and Beyond