04/05/2026
Binuksan na ang 7.88-kilometrong Subsection 3 ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX), kabilang ang pinalawig na Governor’s Drive Interchange sa General Trias, Cavite.
Inaasahang mapapaikli nito ang biyahe sa pagitan ng Biñan, Laguna at Gen. Trias mula isang oras ay magiging 26 minuto na lamang.
Sa pagbubukas ng bahaging ito, umabot na sa 26 kilometro ang kabuuang operational length ng CALAX mula sa Mamplasan Entry sa Biñan.
Ang proyekto ay bahagi ng kabuuang 44.6-kilometrong expressway na mag-uugnay sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) sa Kawit at South Luzon Expressway (SLEX) sa Mamplasan.