05/08/2025
REAL TALK AT HINDI SALES TALK 😊
Ito ay paalala lamang :
1. Realtalk : Walang tituladong lupa na mabibili within METRO MANILA or within the area na below 4k or 5k per sqm lang po. Kung meron man, sacrifice sale at cash basis ito from private owner or individual (yun ay kung meron)
2. Kung gusto mo ng mura, then consider the zonal value, location and development. Mas malapit sa city, mas mahal.
3. Kung wala kang pang cash out na malaki, then consider the preselling offer.
4. Milyon po ang halaga ng property, kaya sana kapag hiningan kayo ng valid ID's at ibang requirements eh wag na po makipagtalo. Kung wala eh di wala. No requirements, no resevation. Katulad lang din sa school yan NO ID, NO ENTRY!
5. Wala pong sapilitan ang pagkuha..kung nalalayuan kayo, it's fine, understandable naman pero wag po ipagpilitan na hanapan ko kayo ng mura sa mga NCR areas at kalapit na city nito.
6. Ayaw ng preselling kasi matagal pero ayaw din naman ng RFO kasi mahal. Sa kakahanap mo ng mura taon taon inabot ka na ng 3 years wala ka pa ding nakita. Marami kang time sa paghahanap ng mura pero wala kang tyaga mag antay sa preselling. Kung yung sinayang mong 3 years sa paghahanap pa rin ng mura ay nireserve mo na sa preselling, malamang naturn over na sana sau ang unit mo! Tapos malalaman mo nalang naunahan ka na pala ni kumare na magkaroon ng sariling bahay at ikaw nganga pa din. Hindi developer ang mag aadjust sayo, kundi ikaw mismo! Taon taon tumataas ang market value at presyo nito. Yes going up, kumuha ka man ngayon o hindi tataas at taas ito.