01/09/2022
BATAAN-CAVITE BRIDGE MALAPIT NANG SIMULAN!🇵🇭🇵🇭🇵🇭
All systems go for the Bataan-Cavite Interlink Bridge
Malapit ng simulan ang pagtatayo ng isang makasaysayang tulay na mag-uugnay sa Bataan at Cavite na tinaguriang Bataan-Cavite Interlinked Bridge Project na maghuhudyat ng mabilis na kaunlaran sa dalawang lalawigan at mga mga kalapit probinsiya sa Gitnang Luzon.
Isang panibagong pagpupulong ang inilatag ng mga stakeholders upang matiyak na mabilis na umuusad ang mga technical surveys at iba pang pag-aaral.
Dinaluhan ito nina Bataan Governor Jose Enrique "Joet" Garcia III at Kongresista Maria Angela Garcia ng 3rd. District at kinatawan ng iba't-ibang ahensiyang may kinalaman sa proyekto.
Ayon kay Governor Garcia tiniyak ni Deputy Project Manager Dante Bautista ng T.Y. Lin International na tapos na ang ilang mga technical surveys gayundin ang mga koordinasyon sa iba't-ibang pribadong sektor at ahensiya hinggil sa pagsusulong ng multi-bilyong proyekto.
Sinabi pa nito, "sa nasabing pulong, kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, siniguro ni G. Bautista ang tibay at kapasidad ng tulay, kung saan, isinaalang alang ang lakas ng hangin, alon, lindol, bagyo, at iba pang maaaring maging hamon sa hinaharap, bukod pa sa pasok ang disenyo at specifications nito sa international standards."
Ayon naman kay Kongresista Gila Garcia, ang katuparan ng itatayong tulay ay magsisilbing ugat ng paglobo ng kaunlaran ng Bataan at Cavite at kabuuan ng Gitnang Luzon, lilikha ng maraming trabaho, magdudulot ng pag-unlad ng turismo , makababawas ng matinding problema sa trapiko sa Metro Manila at marami pang positibong epekto sa kaunlaran ng bansa.