21/10/2026
BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE, KONTRATA TARGET IGAWAD SA NOBYEMBRE
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na igawad sa Nobyembre ang kontratang nagkakahalaga ng hanggang โฑ7.25 bilyon para sa Bataan-side approach ng Bataan-Cavite Interlink Bridge, habang hinihintay ang pagsang-ayon ng Asian Development Bank (ADB).
Ayon kay Public Works Secretary Vivencio Dizon, nakabinbin pa sa ADB ang pag-apruba sa kontrata.
Inaasahang magpapalakas sa koneksiyon ng mga rehiyon at magpapasigla sa ekonomiya ang 32.15-kilometrong tulay na magdurugtong sa Bataan at Cavite sa kabila ng Manila Bay.