18/04/2026
Binuksan ng Uniqlo Philippines nitong Biyernes ang kanilang pinakamalaki at fully air-conditioned na warehouse sa bansa, na matatagpuan sa Riverpark North, Barangay Pasong Camachile II, General Trias, Cavite
Ayon kay Uniqlo Philippines chief operating officer Geraldine Sia, magsisilbing mahalagang bahagi ang pasilidad sa pagpapalakas ng supply chain at pagsuporta sa mabilis na paglago ng kanilang e-commerce operations sa Southeast Asia.
Itinayo ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Federal Land NRE Global Inc. at Fast Retailing Philippines. Tampok sa warehouse ang makabagong disenyo, kumportableng working environment, at paggamit ng solar power bilang bahagi ng sustainability efforts.
Ayon naman kay Federal Land vice chairman Thomas Mirasol, patunay ang proyekto ng matibay na ugnayan ng mga kumpanyang Pilipino at Hapones, at patuloy na tiwala sa Pilipinas bilang investment destination.
Photo source: Morit Sison/FB