Woodside by endurahomes

Woodside by endurahomes Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Woodside by endurahomes, Estate agent, tanza cavite, Tanza.

18/12/2023
18/12/2023

Pagkain Para Sa Puso
Payo ni Doc Willie Ong

Ayon sa American Heart Association, para mapangalagaan natin ang inyong puso, kumain ng mapup**ang pagkain. Ano ito?
1. Pulang Ubas – Ang p**ang ubas (red grapes) ay may taglay na flavonoids, quercetin, at resveratrol (nasa balat ng p**ang ubas). Ayon sa pagsusuri, ang ubas ay nagpapataas ng ating good cholesterol. Pinipigilan din nito ang pag-buo-buo ng platelets sa dugo para hindi magbara ang ugat. Ayon sa mga eksperto, mas masustansya ang p**a o itim na ubas kumpara sa puti o berdeng ubas. Ang p**ang ubas ay napag-alaman ding may panlaban sa virus at sa bacteria. Huwag lang kumain ng sobrang dami dahil ito’y nakatataba din.
2. Pulang Mansanas – Ang red apples ay mataas sa quercetins. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong kumakain ng “one apple a day” ay mas nakaiiwas sa kanser sa baga at sa Alzheimer's disease. Ang balat ng mansanas ay may pectin, na nagpapababa din ng lebel ng bad cholesterol (LDL cholesterol) ng 16% kaya mabuti ito sa ating puso.
3. Red Wine – Ang red wine ay gawa sa ubas at may taglay na resveratrol. Ang resveratrol ay napatunayan sa laboratoryo na nagpapahaba ng buhay ng mga daga at nakaiiwas din sa kanser. Pinapataas ng resveratrol ang good cholesterol at pinapababa ang bad cholesterol. Hinay-hinay lang sa pag-inom ng alak. Ang mga lalake ay puwedeng uminom ng 2 maliit na baso at ang mga babae naman ay puwedeng uminom ng 1 maliit na baso bawat araw. Dahil mas payat sila, mas madali malasing ang mga babae kumpara sa mga lalake.
4. Strawberries – Ang strawberries ay may taglay na ellagic acid at polyphenols, na nagpro-protekta laban sa kanser. Mataas din ang strawberries sa anti-oxidants, vitamin B at C, at potassium na kailangan sa normal na pagtibok ng puso.
5. Kamatis, tomato sauce at ketsap – Ang kamatis ay mayaman sa anti-oxidants tulad ng lycopene at beta-carotene. Ang lycopene ay isa sa pinakamalakas na anti-oxidant. Maraming pagsusuri ang nagpapatunay na ang pagkain ng kamatis, tomato sauce o ketsap ay nagpapababa ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso, prostate cancer, at kanser sa bituka. Para lumabas ang lycopene sa kamatis, lutuin ang kamatis na may kaunting mantika. Ayon sa mga eksperto, kailangan nating kumain ng 10 kutsara o 150 cc ng tomato sauce bawat linggo.
6. Pulang Pakwan – Ayon sa U.S. Department of Agriculture, ang pakwan ay may benepisyo sa ating puso at ugat (blood vessels). Napatunayan na pinapataas ng pakwan ang lebel ng arginine sa ating katawan. Ang arginine ay na-co-convert sa nitric oxide, isang kemikal na nagpapa-relaks at nagpapabuka ng ating ugat. Dahil dito, makatutulong ito sa pag-iwas sa stroke at heart attack. Ang p**ang pakwan ay may taglay na lycopene na nagpapabagal sa ating pag-edad. Konting kaalaman: Ang dilaw na pakwan ay may lutein na mabuti naman sa ating mata.
Kaya kung gusto ninyong maging healthy ang inyong puso, kumain ng “red foods for the heart.”

18/12/2023

Pagkain Para Lumakas
By Doc Willie Ong

Kapag gusto mong mag-ehersisyo o magtrabaho ng mabigat, kailangan mo ng sapat na lakas. Makukuha natin ito sa pamamagitan ng tamang pagkain.
1. Saging – Napakaganda ng saging sa mga nag-e-ehersisyo dahil mayroon itong taglay na carbohydrates, vitamin B at potassium. Ang potassium ay kailangan sa normal na pagtibok ng puso at paggalaw ng masels. Masdan niyo ang mga tennis players na palaging kumakain ng saging.
2. Spaghetti – Nagbibigay ng lakas ang spaghetti dahil sa taglay nitong carbohydrates. Sa mga diabetic, mas mainam ang spaghetti kaysa sa kanin, dahil mas hindi tataas ang iyong as**al sa dugo.
3. Gatas – Ang gatas ay isang kumpletong pagkain dahil mayroon itong carbohydrates, protina at fats. May vitamin B pa ito na nagbibigay ng lakas. Piliin lamang ang low-fat milk para hindi tumaba.
4. Chocolate Bar – Para sa kabataan, puwedeng kumain ng tsokolate dahil mayroon itong as**al, gatas at cocoa. Maituturing itong energy bar. Pero limitahan lang ang kakainin sa isang maliit na hiwa at baka ikaw ay tumaba.
5. Pakwan – Ang pakwan at buko ay napakabisang natural energy drinks. Ang pakwan ay may 92% alkaline water na mabuti sa katawan. Punong-puno din ang pakwan ng vitamin B, potassium at electrolytes na kailangan ng taong laging pinapawisan. Maganda rin ang pakwan bilang panlaban sa heat stroke at init ng panahon.
6. Buko – Ang sabaw ng buko ay mayroong maraming electrolytes na maihahambing na sa suero na ginagamit ng doktor. Ang laman ng buko ay may carbohydrates na nagpapalakas at nakabubusog din.
7. Nilagang itlog – Ang itlog ay siksik sa protina, vitamin B at vitamin D. May sangkap pa itong Choline na kailangan ng ating utak. Limitahan lang ang pagkain sa 1 o 2 itlog sa maghapon.
8. Nilagang mani – Ang mani ay punong-puno din ng protina, minerals at good fats na nagbibigay ng lakas. Mas masustansya ang nilagang mani kaysa sa pritong mani dahil wala itong mantika at mababa sa asin.
Dagdag payo para lumakas: Kumain ng mas madalas pero katamtaman lamang. Ito’y para makakuha tayo ng tuluy-tuloy na suplay ng enerhiya mula sa pagkain. Sa umaga, kumain din ng masustansyang almusal para may lakas tayo.
Isang paalala: Huwag sosobrahan ang pagkain ng mga nabanggit dahil puwede tayong tumaba. Tandaan lamang na kapag mayroon tayong kinain, ay sasabayan ng ehersisyo para matunaw ito.

18/12/2023

Alamin Ang Mas Masustansya
Payo ni Doc Willie Ong

Magbibigay po ako ng dalawang pagkain, at piliin ninyo kung ano ang mas masustansya? Mahuhulaan mo ba ang tamang sagot?
• Sabaw o ensalada.
Ang ensalada ay may kasamang gulay at kamatis na mas masustansya kumpara sa pangkaraniwang sopas. Tandaan lamang na gumamit ng light dressing o s**a para sa inyong salad. Huwag punuin ng Thousand Island sauce o Caesar’s salad sauce ang inyong ensalada para hindi makataba. Mataas din sa healthy fiber ang salad.
Winner: Salad.
• Dried fruits o fresh fruits.
Ang dried fruits tulad ng raisins, dried mangoes at preserved fruits ay mga prutas na tinanggalan ng tubig ang laman. Kaya lang, mataas sa as**al at calories ang mga dried fruits. Ang mga sariwang prutas naman ay may taglay na 80% na tubig at kumpleto pa ito sa bitamina at nutrisyon. Kung tayo ay papipiliin, mas masustansya ang presko na prutas.
Winner: Fresh fruits.
• Shrimp crackers (kropeck) o nilagang mani.
Ang mani ay sadyang masustansya, dahil punong-puno ito ng protina, minerals at fats. Huwag mag-alala dahil ang taba na taglay ng mani ay mga good fats na kung tawagin ay monounsaturated at polyunsaturated. Bukod dito, pinapababa din ng mani ang iyong bad cholesterol at may vitamin E pa ang mani. Ang kropeck naman ay gawa lang sa harina at mantika.
Winner: Nilagang mani.
• White wine o red wine.
Ang red wine ay may resveratrol at iba pang phytochemicals, na matatagpuan sa ubas. Ang mga kemikal na ito ay nagpapataas ng ating good cholesterol at pinapababa naman ang ating bad cholesterol. May pag-aaral na nagsasabi na baka makatulong din ang resveratrol laban sa kanser at para humaba ang ating buhay. Isang paalala lang: Para sa mga kalalakihan, huwag sosobra sa 2 wine glass ang inumin bawat araw. Para sa kababaihan, huwag sosobra sa 1 wine glass bawat araw. Ito’y dahil mas madali malasing ang kababaihan kaysa sa kalalakihan. Ngunit kung hindi naman kayo umiinom ng alak ay puwedeng huwag na lang umpisahan. Kumain na lang ng p**ang ubas na may katumbas na benepisyo tulad ng red wine.
Winner: Red wine.
• Saging (latundan variety) o Saging (lakatan variety).
Ang saging ay mayaman sa potassium, vitamin B, tryptophan at carbohydrates. Kailangan kumain ng 2 saging bawat araw para sa ating puso. Pero anong klaseng saging ang dapat kainin? Ang lakatan na saging (madilaw, makapal ang balat at mas mahal) ay mas mataas sa vitamin C kumpara sa saging na latundan (maputi, manipis ang balat at mas mura) na walang vitamin C. Kaya mas maasim ang lasa ng lakatan na saging at mas masustansya ito.
Winner: saging na lakatan.

18/12/2023

Dighay ng Dighay: Anong Dahilan
Payo ni Doc Willie Ong

Ang pagdighay (burping or belching) ay paraan ng katawan para ilabas ang sobrang hangin sa loob ng tiyan.
Nakalulunok tayo ng sobrang hangin kung mabilis kumain at uminom, nagsasalita habang kumakain, umiinom ng mga soft drinks o umiinom gamit ang straw. May ilang tao na nakahihigop ng hangin sa tuwing nine-nerbyos.
Ang hindi natunawan (indegstion) at heartburn ay maaaring malunasan ng pag-dighay.
Para mabawasan ang pag-dighay:
1. Kumain at uminom ng dahan-dahan. Huwag magmadali para maiwasan mabulunan. Limitahan ang pag-inom gamit ang straw.
2. Itigil ang pag-inom ng carbonated na inumin gaya ng softdrinks at beer, dahil naglalabas ito ng carbon dioxide.
3. Iwasan ang chewing gum o pagsipsip ng matigas na candy.
4. Huwag manigarilyo.
5. Ang pagbawas sa stress ay maaaring mapigilan ang nerbyos. Para mabawasan ang habit ng paglunok ng hangin.
6. I-check ang s**at ng pustiso. Kung hindi tama ang s**at maaaring maging dahilan para makalunok ng hangin habang kumakain.
7. Iwasan humiga agad pagkatapos kumain. Maglakad-lakad muna para bumaba ang kinain at maiwasan ang heartburn.

18/12/2023

Top 5 Sakit ng Pilipino
By Doc Willie Ong

1. High Blood Pressure o Altapresyon.
Kapag ang blood pressure niyo ay palaging lampas sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may high blood pressure o altapresyon ka na. Isa sa 4 na Pilipino ay may high blood pressure. Ang normal na blood pressure ay mas mababa sa 140 over 90.
Heto ang mga tips: (1) Magbawas ng timbang; (2) Magbawas sa pagkain ng maaalat. Umiwas o magbawas sa paggamit ng asin, toyo, patis at bagoong; at (3) Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Kapag palaging mataas sa 140/90 ang iyong blood pressure, kailangan mo nang uminom ng gamot.

2. Diabetes.
Kung ika’y may nararamdamang pamamanhid, laging nauuhaw, madalas umihi, o namamayat, magpa-check sa diabetes. Kapag ang iyong blood sugar ay higit sa 126 mg/dl pagkatapos ng 10 oras na hindi pagkain (fasting blood sugar), nangangahulugang may diabetes ka na. Umiwas sa dalawang bagay: Matataba at matatamis na pagkain. Mag-ehersisyo din ng regular at huwag magpataba.
Depende sa taas ng iyong blood sugar, may mga mura at mabisang gamot sa diabetes, tulad ng Metformin at Gliclazide. Kung hindi mo mako-kontrol ang iyong blood sugar, ay mapapabilis ang pagdating ng komplikasyon nito.

3. Mataas na Cholesterol.
Mataas ang iyong cholesterol kapag lampas ito sa 200 mg/dl. Mag-diyeta na. Posibleng kailangan uminom ng gamot kapag lampas sa 240 ang cholesterol. Subukang mag-diyeta ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng gamot na Statins.

4. Sakit Sa Kidneys (bato).
Kung mayroon kang diabetes o high blood pressure, kailangan mong bantayan ang iyong kidneys. Ang diabetes at high blood ay nakasisira sa kidneys. Kadalasan ay walang nararamdaman ang mga taong may sakit sa kidneys. Kapag may kidney failure na, humihina na ang daloy ng ihi.
Heto ang tips: (1) Bawasan ang alat ng pagkain; (2) Limitahan ang protina sa pagkain. Mas kumain ng isda, gulay at prutas; (3) Iwasan ang pag-inom ng pain relievers (gamot sa kirot); (4) Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw.

5. Cancer.
Kapag ang isang tao ay wala pang kanser, ang pinakamagandang kainin ay ang tatlong K: kamatis, karrots at kalabasa. Puwede din ang mga pagkaing ito para makaiwas sa kanser: green tea, curry powder, bawang, sibuyas, sibuyas dahon (leeks), repolyo, cauliflower, tofu o tokwa, at talong. Damihan ang pagkain nitong anti-cancer foods. Bawasan ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain tulad ng baboy, baka, hotdog, bacon, ham at longganisa.

Address

Tanza Cavite
Tanza

Telephone

09464280829

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Woodside by endurahomes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category