21/03/2024
: MAG-INGAT SA MGA WHALING PHISHING ATTACK!
Isang uri ng cyberattack ang whaling phishing o ‘whaling’ kung saan tina-target ng scammers ang mga empleyadong may mataas na posisyon sa isang organisasyon para magkaroon ng access sa sensitibo o confidential na data.
I-report agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account, credit card, e-wallet o personal na impormasyon. Ang mga bangko at e-money issuers ay naatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na paigtingin ang kani-kanilang consumer assistance mechanisms. Nandito ang directory ng mga consumer assistance channels nila:
https://www.bsp.gov.ph/SitePages/InclusiveFinance/ConsumerAffairsDir.aspx
Maaari ring i-report ang mga scammers sa pamamagitan ng mga sumusunod:
• Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology: https://cicc.gov.ph/report/
• Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center: Landline☎️ +63 (8) 723-0401 local 7491 o Cellphone📲 0961-829-8083 and 0915-589-8506
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko o e-money issuer ang inyong hinaing, ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM
Protektahan ang sarili mula sa scam at iba pang uri ng panloloko! Gawin ang - 👍🏼