14/05/2026
Pormal nang nilagdaan ng Hann Foundation Inc. at ng Bamban, Tarlac local government ang memorandum of agreement para sa pagtatayo ng emergency hospital sa Dapdap Resettlement Area at paaralan para sa Ayta learners sa Sitio Gayaman Dos, Brgy. Anupul.
Pinangunahan ang MOA signing nina HFI Executive Director Ana Christi G. Galura, Hann Philippines Finance Director Sheila M. Rivera, at Bamban Mayor Jose Mallari Salting Jr.
Saklaw ng partnership ang hospital project at Project EskwelaHANN na layong mapalawak ang access sa healthcare at edukasyon para sa mga resettled at indigenous communities sa bayan.
Isinagawa ang signing sa May edition ng KapiHann, ang monthly media forum ng Pampanga Press Club katuwang ang Hann Resorts sa Swissôtel Clark.