12/11/2025
🏠 Anong 4PH?
Ito ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) — pambansang programa ng gobyerno para mas maraming Filipino ang makabili ng abot-kayang bahay.
👥 Sino ang puwedeng mag-apply?
Mga Filipino 18–65 taong gulang, walang sariling bahay sa pangalan nila o ng asawa, at hindi pa nakinabang sa gobyernong housing program.
📌 Bakit ito mahalaga?
May milyon-milyong bahay na kulang sa bansa. Sa 4PH, mas mababa ang interest at mas manageable ang hulog para sa mga naghahangad ng sariling tahanan.
🕒 Kailan pwedeng mag-apply?
Simula noong 2022 hanggang ngayon. Kung eligible ka, puwede ka nang mag-apply habang may ongoing projects sa iba’t ibang lugar.