26/08/2025
βΌοΈAng BANAHAW ay SAGRADO, HUWAG HAYAANG MAABUSOβΌοΈ
Hindi lahat ng proyekto ay progreso ng kaunlaran kung ang kapalit ay pagkasira ng ating kalikasan.
Bilang mga kabataan at organisasyon na may layuning magtanggol at magmalasakit sa kalikasan, at nakatira malapit sa Mt. Banahaw, mariin naming tinututulan ang mga proyektong makakasira sa bundok. Ang Mt. Banahaw ay hindi isang ordinaryong lugarβito ay sagradong bundok na pinapahalagahan hindi lamang ng mga lokal na komunidad kundi ng buong bansa dahil sa taglay nitong likas na yaman, kasaysayan, at espirituwal na kahalagahan.
Ang ganitong proyekto ay naglalagay sa panganib ng ating kalikasan, kabuhayan, at kultura. Hindi dapat hayaang masira ang kabundukan na siyang nagbibigay-buhay sa ating mga komunidad. Nanawagan kami sa mga nakakataas na kinauukulan at mga ahensya ng pamahalaan na pakinggan ang hinaing ng mga mamamayan at agarang aksyunan ang pagtutol na ito. ποΈπ£