08/12/2022
Thanks to our Almighty God Jehovah sa lahat ng blessings sa aking real estate journey.
Sino ang mag aakala na yong isang Team (Sunshine) nong March 1, 2019 na nabuo as Independent group ni Zonal at hirap na hirap maka quota ng 5m group Sales ay nanganak ng nanganak after 3 years and now contributor ng 1B NSP (Net Selling Price) Sales ng Zonal Realty from January 1 up to November 30, 2022.
From a less than 20 pax Thanksgiving Party way back December 2019... And now ilan na kami on our Upcoming TGP on Dec 26? We are 150 pax ...
I remember those days na ginawa ko ang hanapbuhay na ito... nagsimula lang to sa laro2 (Part Time) pampalipas oras rather than puro KDrama ang gagawin ko during my spare time.
Sobrang simple lang talaga ang reason why nag decide ako magbenta nong January 5, 2018... Yong travel abroad lang... Dahil contented na kasi ako sa dati kong career at ang kinikita ko doon ay sobra2 na sa pagkain at pampaaral sa kids ko dahil meron namang regular job si hubby plus I have 4 apartment units na pinaparentahan... Mindset ko before ang mag trabaho up to 60years old and after my Retirement tsaka ko papasokin ang real estate selling. Pero nagbago ang lahat ng maging Topseller Agent ako ni Zonal even ako ay Part Time Agent lang.
Nang ma discover ko na ang Real Estate Selling ay hindi nagkakalayo sa dati kong trabaho... Doon na pumasok na sumugal ako. Yes na yes mga Besshie, yong 29years career ko sa IT industry ay binitawan ko at the age of 49. Hindi ko na inisip na mag trabaho pa sa Corporate World for additional 11 years at antayin na ako ay maging 60 years old bago mag focus sa real estate Selling. Ano ang nag trigger para ako ay sumugal? Ito ay dahil sa napakagandang "Marketing Plan" ni Zonal. Hinding hindi lalaki si Team Sunshine with 214 Agents na may benta this year kong hindi ako nag focus dito.
Dati rati literal na hurt ako once may Newbie na umaalis sa group chat ko. Now, na sad nalang ako for them once nag left sila. Why? Kc hindi nila sinubokan ang napakagandang life changing opportunity na ito na "pwd silang kumita" ng unlimited income even wala silang ilalabas na puhunan.
Someone told me before na mapalad ako at nakuha ko ang techniques ng selling dito dahil sabi nya "hindi lahat nagiging successful" sa real estate industry.
And now what's the key of my success story? Lalo pa at halos hindi na ako nagbebenta? Nag focus kasi ako as Coach ng Sunshine and Recruiter? The key here is yong "4 ways to earn" ni Zonal. Would you believe guys na 55% ng benta ni Team Sunshine for the year 2022 ay ako ang Recruiter? Yan po ang real success story ko dito... Nagtyaga ako mag Recruit ng mag Recruit at magturo. Dahil ang hanapbuhay na ito ay hindi simple ituro at hindi lahat ng Ahente ay kaya maging Coach. Sobrang dali mag Recruit, ang pinakamahirap ay yong pagtuturo sa Newbie Agents para makabenta. Iba2 kc ang learning curve ng bawat isa. Lalo na at thru software na ni Facebook ang selling.
Those sleepless nights for the past three (3) years na kinarer (Full Time) ko ang business na ito at literal na natutulog ng less than eight (8) hours at nagta trabaho ng twelve (12) to sixteen (16) hours everyday ay sobrang worth it sa upcoming na Anihan ng commission days...
For my breakaway SDs, na right now ay nagsisimula pa lang din... I hope ma inspired kayo sa Story ni Sunshine.. nasa sainyo na yan if susundan nyo ang path ko or not.
To my Newbie Recruits, Newbie Members ng Team Sunshine and Newbie Recruits ng aking Breakaway SDs (Team Jupiter).... Thank You Guys for being part of my real estate journey. Hindi man ako magiging kasing aggressive sa pagtuturo next year, kagaya ng ginawa ko for the past 3 years... kc need ko din mag relax ng konti. Rest assured na meron akong gagawin na tools para makatulong sainyo and hopefully yong mga Newbies natin ng year 2022 and year 2023 ay makasama sa target kong twenty (20) Breakaway SDs na mabuo sa Zonal.
Thank You Team Sunshine Angels from January 5, 2018 up to present... again and again at paulit ulit ko na sasabihin sainyo to "itapon ang hindi mabuti sa akin at itira yong mabubuti". Wag na wag palaging iisipin yong mga dungis na meron ako... pulotin nyo yong mga kaalaman na ibinibigay ko sainyo for free. Yes, disciplinarian ako as a Leader pero ginagawa ko yan para sainyong career growth. Ang hanapbuhay na ito ay hindi lang para sa masisipag at matatyagang tao... Para din ito sa mga tao na mahaba ang pasensya at matigas ang dibdib at mabilis mag move on sa kong mayroong pagsubok na dumarating.
I am not a perfect Leader for you guys, but... I will do my best para maging successful kayo sa hanapbuhay na ito dahil hindi ko pinangarap na ako lang ang aangat dito. Gusto ko "sabay2 nating abotin" ang ating mga Pangarap sa tulong ng Zonal.
Thanks to my whole family na kasama ko sa aking real estate journey, lalong lalo na sa asawa ko na pumayag na mag resigned sa work para samahan ako sa hanapbuhay na to. Also to my three (3) kids sa malawak na pag uunawa while super busy si Mama. Syempre sa Apo ko si George at sa Manugang kong si Belle. Also to my Brother Jessie na naging 2nd father ko sa Manila. Sa aking dalawang Admin Pamangkin Rose Ann Belarmino Nacional and Arjhan Belarmino Nacional to my sister Allyn Salamat at ng dahil sayo nakilala ko ang Zonal.
Last but not the least, Thank You Boss Joemar Aquino my Upline / Recruiter and Owner of Zonal Realty sa lahat ng tulong para umabot sa ganito ka layong journey ang aking real estate career.
Together, let's hit our 2B target NSP for the year 2023 ... This is not just for ourselves, kong hindi para na din sa ating buong family.
Like to be One of Us?
We Are Hiring Real Estate Agents !!!
18 to 60 years Old
Part Time / Full Time
Note: Agents from other Realty NO Need to Apply.