Buhay Bukid

Buhay Bukid CALABARZON Farm living

28/02/2026

Land Conversion: Ano ang Dapat Mong Malaman Bago Gawing Residential ang Sakahan?

Kahit nakapangalan sa’yo ang titulo ng lupa, hindi mo ito puwedeng gawing residential agad. Sa ilalim ng Republic Act No. 6657 at DAR Administrative Order No. 1 (2002), may proteksyon ang mga lupang agrikultural. Kailangan muna ng Land Use Conversion at opisyal na Conversion Order mula sa Department of Agrarian Reform bago baguhin ang gamit nito.

Tandaan: Kung prime irrigated ang lupa at sakop ng National Irrigation Administration, mahirap itong ma-convert. Pinapayagan lang kapag hindi na economically feasible ang pagsasaka o binago na ng LGU ang zoning sa Comprehensive Land Use Plan.

Permiso muna bago buhos ng semento! Mas mabuting sumunod sa proseso para protektado ang iyong puhunan at pangarap.




27/02/2026

Hindi Mailipat ang Titulo ng Lupa? Alamin ang Solusyon sa Missing Heirs at Extrajudicial Settlement”

26/02/2026

Paano Iwasan ang 6% Capital Gains Tax sa Pagbebenta ng Bahay? (Legal na Paraan para Makamura ng Daan-Daang Libo!)

Mga homeowner, alam niyo ba na may legal na paraan para hindi magbayad ng 6% Capital Gains Tax kapag ibinenta ninyo ang inyong principal residence?













25/02/2026

Pwede bang maangkin ng isang squatter ang lupang 10, 50, o kahit 100 years na niyang tinitirhan? 🤔












24/02/2026

Nawala ang Original Title ng Lupa?

Mga Ka-Bukid, nawawala ba ang original copy ng titulo ng lupa mo? Huwag agad mag-panic! Ang nawalang papel ay HINDI katumbas ng nawalang lupa.


23/02/2026

Land Title Transfer Problem?

Mga Ka Bukid akala mo ba madali lang ang paglipat pangalan ng titulo? Isang pirma lang ba tapus na? hindi po ganyn kadali!








23/02/2026

From Palayan to Paupahan? Alamin ang Legal na Proseso ng Land Conversion sa Pilipinas.



22/02/2026

Emancipation Patent (E-P): Pwede Ba Talagang Ibenta o Mahigpit na Ipinagbabawal?

Maraming nagtatanong kung maaari bang ibenta ang Emancipation Patent (E-P)—at ang malinaw na sagot: bawal, lalo na sa loob ng unang sampung taon. Ang E-P ay titulong ipinagkakaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng agrarian reform program, at may kaakibat itong mahigpit na kondisyon. Dapat ang benepisyaryo mismo ang nagsasaka ng lupa, at kung kinakailangang isanla, sa mga government banks tulad ng Land Bank of the Philippines o accredited cooperatives lamang. Kahit lumampas ang 10 taon, hindi basta puwedeng i-convert sa residential o commercial use nang walang DAR clearance. Ang paglabag ay maaaring magresulta sa pagbawi ng lupa at paglipat nito sa ibang kwalipikadong magsasaka. Kaya bago gumawa ng hakbang, kumonsulta muna sa pinakamalapit na DAR office o sa lisensyadong abogado.

22/02/2026

Dekadang Hindi Nabayarang Amilyar: Pwede Pa Ba Itong Mabawi at Bayaran?

Kung matagal nang hindi nababayaran ang amilyar ng lupa, hindi pa huli ang lahat, pero may mga dapat kang alamin. Unang hakbang ang pag-check sa Registry of Deeds kung nasa pangalan pa ng inyong magulang o pamilya ang titulo. Tandaan na may karapatan ang lokal na pamahalaan na ipa-remata ang lupa kapag may matagal nang unpaid real property taxes. Ngunit kung hindi pa ito naipapa-auction at nasa pangalan pa ng pamilya ang titulo, maaari mo pa itong bayaran, at makipag-usap sa munisipyo tungkol sa interest at penalties. Timbangin ang kabuuang babayaran kumpara sa halaga ng lupa bago magdesisyon.

21/02/2026

Mga Ka-Bukid, may bakanteng lote ba kayong gustong bilhin pero hindi alam kung sino ang may-ari?



23/02/2025

Step into a world of green fields, fresh air, and pure tranquility.



Address

San Francisco
Tiaong
4325

Telephone

+639812590806

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Buhay Bukid posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Buhay Bukid:

Share

Category