26/01/2026
📌 Basis ng Capital Gains Tax (CGT)
Ang basis ng CGT ay kung alin ang MAS MATAAS sa pagitan ng:
Selling Price / Contract Price (actual na napagkasunduan na presyo) or
Fair Market Value (FMV)
👉 Fair Market Value (FMV) naman ay kung alin ang mas mataas sa:
Zonal Value (galing sa BIR) or
Market Value (based sa Tax Declaration / Assessor’s Office)
👌 Example:
Sabihin natin may lupa na binebenta:
Selling Price: PHP1,800,000
Zonal Value: PHP2,000,000
Market Value (Tax Dec): PHP1,600,000
Step 1: Determine FMV
Zonal Value (PHP2,000,000) vs Market Value (PHP1,600,000)
👉 FMV = PHP2,000,000
Step 2: Compare FMV vs Selling Price
FMV: PHP2,000,000
Selling Price: PHP1,800,000
👉 CGT base = PHP2,000,000 (kasi mas mataas)
Step 3: Compute CGT
CGT = 6% × PHP2,000,000
👉 CGT payable = PHP120,000
🤗 In short:
Kahit mas mababa ang selling price, kung mas mataas ang zonal or market value, yun pa rin ang pagbasehan ng BIR.