23/05/2026
Bakit mahalaga?
👉 Ang Contract to Sell sa pagbili ng lupa dahil ito ang unang legal na kasunduan sa pagitan ng buyer at seller bago tuluyang mailipat ang pagmamay-ari.
✅ Patunay ng napag-usapan
Nakasulat dito ang presyo, terms of payment, reservation, downpayment, at schedule ng bayaran.
✅ Proteksyon sa buyer at seller
Parehong malinaw ang obligasyon ng bawat isa.
✅ Hindi pa final transfer ng ownership
Habang hindi pa fully paid o hindi pa natutupad ang conditions, hindi pa ganap na naililipat ang titulo.
✅ Basehan bago Deed of Absolute Sale
Kapag natupad na ang terms (hal. bayad na lahat), saka ginagawa ang Deed of Absolute Sale.
Pero tandaan:
⚠️ Hindi sapat ang Contract to Sell lang kung gusto mo nang maging owner.
Kailangan pa rin ng:
Deed of Absolute Sale
Proper notarization
Transfer of title
Tax payments
Registry of Deeds processing
BossRCT Real Talk:👌
Kung bibili ka ng lupa installment o hulugan, Contract to Sell ang isa sa pinakamahalagang dokumento para hindi magkaproblema sa future.
Simpleng tandaan:
CTS = Pangako muna ng bentahan
DOAS = Ganap na bentahan na