17/01/2026
⚖️ 1. Para sa KALIGTASAN
• Mas maraming tao = mas mataas ang risk sa sunog, aksidente, at emergency
• Ang unit ay may designed capacity lang
👉 Kapag sumobra, delikado sa lahat
⸻
🏗️ 2. Ayon sa DESIGN ng Unit
• Ilang sqm lang ang kwarto
• Ilang k**a lang ang pwede
• Ilang CR ang available
👉 Hindi pwedeng gawing sardinas ang paupahan
⸻
💡 3. Utilities & Bills
• Tubig at kuryente ay base sa normal usage
• Kapag sobra ang tao:
• tumataas ang konsumo
• bumibilis masira ang appliances
👉 Lugi ang landlord, stress pa
⸻
🛠️ 4. Maintenance & Wear and Tear
• Mas maraming tao =
• mas mabilis masira ang pintuan, CR, sahig
• mas madalas ang reklamo
👉 Hindi libre ang repair.
⸻
📑 5. Nakasulat sa KONTRATA
• Ang bilang ng titira ay part ng napag-usapan
• Kapag nagdagdag nang walang paalam = violation
👉 Hindi pwedeng basta:
“Pinsan lang naman”
“Sandali lang”
“Wala naman bayad”
⸻
🏘️ 6. Para sa KAPAYAPAAN ng Iba
• Ingay
• Sikip sa common areas
• Away at reklamo ng kapitbahay
👉 Landlord pa ang masisisi.
⸻
🟢 Tandaan:
May limit ang titira dahil may limit ang unit.
Hindi ito pang-aapi — ito ay tamang pamamalakad.