tonedo jon jon

tonedo jon jon a day in my life

11/07/2023
"Pangarap"Sa harap ng salamin, sya ay nakatitigDi kumukurap at walang katinig-tinigSa kanyang balat, dumampi ang hanging...
15/06/2023

"Pangarap"

Sa harap ng salamin, sya ay nakatitig
Di kumukurap at walang katinig-tinig
Sa kanyang balat, dumampi ang hanging malamig
Luha'y gumuhit habang labi'y nanginginig

Ang dating masayahing mukha'y napalitan ng lungkot
Ang malakas na loob ay binalutan na ng takot
Nahiga sa k**a habang nagtatalukbong ng kumot
Tanong sa isip ay pilit hinahanapan ng sagot

Sa daang tinatahak ay tila ba naligaw
Ang tubig ay di na kayang pawiin ang uhaw
Ang pag-asang kinakapitan ay unti-unti nang bumibitaw
At ang pangarap na ginuhit ay unti-unti nang nalulusaw

Nasan na nga ba ang dating ako na puno ng pangarap?
Ang dating ako na lumilipad na parang alitaptap
Ang mandirigmang sa laban ay hindi takot humarap
Tila nasa kawalan at umaasang may yayakap

Sa mataas at madilim na kalangitan ay muling titingala
Ngunit pangarap ay para bang hindi nakaguhit sa mga tala
Ang maliit na liwanag ay naglalahong tila isang bula
Muling babagsak sa lupa kung saan lahat ay nagsimula

Ang bawat paghihirap ay hindi na nasusuklian
Ang mga pangarap ay parang gusto nang sukuan
Kung hanggang dito nalang ang nais ng kapalaran,
Ako'y bibitaw na't tatahakin ang ibang daan

Noong musmos pa'y itinatak na sa isipan
Pangarap na kay taas ay dapat laging sundan
Ngunit habang tumatanda'y nawawalan ng kabuluhan
Mga ngiti'y maglalaho habang naliligaw sa daan

Matayog na mga pangarap ay dapat nga bang panghawakan?
Kahit pa kapalit nito'y oras na di na mababalikan?
Siguro'y matatagpuan ko din ang tunay na kasiyahan
Kapag handa nang tanggapin ang kung ano lang ang inilaan

—iam

Nang ako ay pumikit
Wala akung makita🤣🤣🤣

09/03/2023

shot puno

Address

Northville 2A R. Jacinto Street Canumay West
Valenzuela
1440

Telephone

+639777156010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when tonedo jon jon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to tonedo jon jon:

Share

Category