15/07/2025
TRAHEDYA SA PASAY: Tatay na Pauwi Galing Trabaho Para sa Anak na May Sakit, Ninakawan ng motor at Binugbog. Anak, Di Na Umabot sa Kaniyang Pagdating.
PASAY CITY — Isang trahedyang pumunit sa puso ng marami ang nangyari sa isang ama na pauwi na sana upang dalhin ang perang kailangan sa ospital para sa kanyang maysakit na anak. Ngunit sa halip na makauwi nang ligtas, siya ay nabiktima ng brutal na pagnanakaw sa kahabaan ng Roxas Blvd. Buendia sa Pasay.
Ayon sa ulat, inagaw ng isang hindi pa nakikilalang salarin ang motorsiklo ng biktima — isang kulay violet na Honda PCX. Ngunit hindi pa roon nagtapos ang kabuktutan ng kriminal — pinalo pa nito sa ulo ang ama at iniwang walang malay sa kalsada, duguan at walang kalaban-laban.
Nang magkamalay ang lalaki kinabukasan, iisa lang ang nasa isip niya: ang kanyang anak na naghihintay sa ospital. Bagamat sugatan, pinilit niyang umuwi at agad tinungo ang ospital.
Ngunit huli na ang lahat.
Pagdating niya roon, wala na ang kanyang anak. Si baby Ace, na buong tapang na lumalaban sa karamdaman, ay binawian na ng buhay — hindi na niya naabutan ang kanyang ama.
Labis ang hinagpis ng ama na sa kabila ng kanyang pagsusumikap at sakripisyo, isang kriminal ang biglang sumira sa kanilang pag-asa. Ngayo’y nananawagan siya ng hustisya para sa kanyang anak at para sa mga posibleng maging susunod pang biktima ng walang puso at walang kaluluwang salarin.