03/04/2026
1. Palaging Nagmamadali Lumipat (Rush Move-In)
👉 “Pwede po bang bukas na agad?”
• Madalas may tinatakasan: utang, issue sa previous landlord, o eviction
• Walang time mag background check = mataas risk
2. Ayaw Magbigay ng Kumpletong Requirements
👉 “To follow na lang po ID / contract / proof of income”
• Kung sa umpisa pa lang hindi na compliant, mas lalo sa bayaran
• Basic rule: No docs, no deal
3. Inconsistent ang Kwento
👉 Iba-iba sinasabi tungkol sa trabaho, income, o kasama
• Posibleng nagsisinungaling
• Red flag sa long-term reliability
4. Reklamador Kahit Hindi pa Nakakalipat
👉 “Pwede pa ba pababaan? Pwede repaint? Pwede ganito ganyan?”
• Normal ang magtanong, pero kung demanding agad → future sakit ng ulo
• Early sign ng mahirap kausap
5. May History ng Late Payment o Issues
👉 Kahit sabihin nilang “one time lang yun”
• Past behavior = predictor ng future problems
• Always check previous landlord kung possible
⸻
💡 Reminder sa mga Landlord:
Mas okay mawalan ng tenant for 1–2 weeks
kaysa magkaroon ng tenant na hindi nagbabayad ng 6 months.
👉 Screening is everything.