07/06/2020
HINDI PATAMA BAGKUS SIMPLENG PAALALA LAMANG
Ang mga post at turo ng ating mga Ulama at mga dà'iyah ay kailanman ay hindi po patama kaninuman, bagkus ito'y simpleng paalala lamang sa lahat.
Dahil nga sa ang ating Relihiyong Islam ay Relihiyon ng Pagpapayuhan.
Kung sakaling tinamaan man tayo nito, ay habag at awa po ito ng Allah sa atin na Kanyang binuksan pa para sa atin ang pintuan ng Tawbah, pagbabalik-tanaw sa ating sa mga nagawa, at paghingi ng kapatawaran sa Kanya.
Baka sakaling tumama ito sa atin at tayo ay magbabalik-loob na sa Allah.
Huwag sana nating hayaan ang pintuan ng pagkakataong ito na maisara - ng Kamatayan o di kaya'y paggunaw ng daigdig.
Dahil katotohanan, milyon-milyong tao ang nasa libingan ngayon ang nangangarap na makabalik sa daigdig upang makagawa ng kabutihan, upang magbalik-loob, upang magsalah, upang mapunan ang mga pagkukulang at maitama ang mga pagkakamali.
Ngunit hinding-hindi na iyon mangyayari pa hanggang sa pagbangon muli ng mga patay sa kani-kanilang mga libingan sa Araw ng Paghuhukom.
At walang duda na kasama tayong lahat doon sa mga bubuhaying muli ng Allah.
Shaykh Muhammad Ali Granaderos
Qassim, Kingdom of Saudi Arabia
www.NewMuslimAcademy.ph