06/10/2020
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1832177076921420&id=130406490431829
Another reason to invest in Ilo-ilo.
Congratulations investors!
For details of Style Residences, send us a message now
DOBLENG REGALO PARA SA MGA ILONGGO!
NOON, napag-iwanan, masikip, at kulang na kulang sa mga kinakailangang pasilidad ang Iloilo Commercial Port Complex (ICPC) sa Loboc, Lapuz, Iloilo City. Hindi na ito akma at makasabay sa lumalakas at sumisiglang kalakal at turismo sa lugar.
Upang mapunan at masolusyunan ang pagkukulang na ito, pinagsumikapan ng Philippine Ports Authority (PPA), sa pangunguna ni General Manager Jay Daniel Santiago, at sa ilalim ng paggabay ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, na masimulan ang dalawang (2) magkasunod na proyekto para sa ICPC.
Ito ang (1) Construction of Back-Up Area with RoRo Ramp-on-Fill na sinimulan noong Setyembre 2017, at (2) Paving of Back-Up Areas na inumpisahan naman noong Hulyo 2018.
Sa pagkumpleto ng 2 port projects na ito, ipinahayag ni GM Santiago na tiyak na magiging ganap na major gateway ang ICPC sa Western Visayas.
Ibinahagi din niya na wala ng makakapigil pa sa port na ito upang makatanggap ng mas maraming cargo at vessel ang lugar, sa kabila ng banta ng kasalukuyang pandemya. Dahil dito, inaasahang magiging isa sa mga susi ng paglago ng kalakal at ekonomiya sa Iloilo ang ICPC.
βWe have finally completed a major project at the Iloilo Commercial Port Complex (ICPC), making it one of the major gateways for Western Visayas. With enough back-up area for cargoes and a Ro-Ro facility for rolling cargoes, there is no stopping for ICPC to get as much share on cargo and vessel traffic amid the pandemic and even after the country finally breaks out from the clutches of COVID-19,β ani GM Santiago.
Malaking pasasalamat at naging katuwang din ng DOTr at PPA ang lokal na pamahalaan ng Iloilo, sa pamumuno ni Iloilo City Mayor Jerry TreΓ±as dito sa 2 ICPC projects na nakumpleto.
NGAYON, inaasam ng ating mga kababayang Ilonggo na sa gradual return ng mga economic activities, inaasahan nila ang pagsigla ng kanilang lokal na ekonomiya, dahil na rin sa tulong na naidulot ng 100% COMPLETION NG DALAWANG PROYEKTO!
Dagdag pa rito, ang mga malalaking international cargo vessel ay magkakaroon na rin ng sapat na cargo back-up area, para sa mga import at export cargo ng rehiyon, dahil tapos na ang βpavingβ ng back-up areas ng port complex.
Ang konstruksyon ng Back-Up Area with RoRo Ramp-on-Fill ay opisyal na natapos noong Pebrero 2019, at ang Paving of Back-Up Areas naman ay opisyal nang nagwakas noong Disyembre 2019.
PANALONG-PANALO ang ating mga kababayan sa Iloilo!
π΅π