02/17/2026
Ang monthly rent ng tenant ay bayad sa paggamit ng bahay o unit (upa) — hindi ito bayad sa lahat ng nasisirang gamit sa loob ng unit, lalo na kung kasalanan ng tenant.
📌 Tandaan:
• May puhunan ang landlord sa lupa, pagpapatayo ng paupahan, permits, buwis, at maintenance.
• Kaya natural na may bayad ang pagtira, dahil negosyo ito, hindi libre.
Kung nasira ang door k**b, ilaw, bintana, gripo, cabinet, at iba pang gamit dahil sa tenant, responsibilidad ng tenant ang magpaayos o magbayad nito.
⸻
🏠 Tip sa mga Landlord: Ano lang ang sagot ng Landlord?
👉 Bubong lang ang sagot ni Landlord.
Meaning:
• Landlord → Structural repairs (bubong, poste, pader, major plumbing leaks, foundation)
• Tenant → Minor repairs at damages na sila ang nakasira (door k**b, lock, switch, basag na bintana, sirang gripo, etc.)
⸻
💡 Sample Script Kapag Nakikipagtalo si Tenant
“Ang binabayaran mo po sa renta ay ang paggamit ng unit, hindi ang mga nasisirang gamit na ikaw ang may kasalanan. Ang sagot ko lang po bilang landlord ay bubong at major repairs. Yung door k**b, ikaw po ang responsible doon.”