Ako po si Jun Capacete isang International Broker at baguhan para sa trabahong ito pero may dalawang tao na naghikayat at tumutulong para gawin ko ito ng tama para sa kapwa ko ( Si Sir Paul Valeriano at Si Sir Micah Gawiran) alam ko na tiwala sila sa aking kakayanan na kahit alam ko mahirap din makahanap ng isang kliente or buyer, isa po ako sa milyon milyon tao naghahangad din na kumita ng extra
money, kahit nandito ako sa Canada mahirap din ang buhay dahil lahat binabayaran, hindi po porket nasa canada mayaman na po correction po lahat po dito pinaghihirapan at lahat po binabayaran ultimo singko po, ang maganda po dito pantay pantay na pamumuhay yun po ang naging karanasan ko po dito, kayo po ang magiging sandata ko po para sa future na hinahangad nyo sa buhay, at ako rin po ang tutulong sa inyo para maka-pag ipon po kayo para sa future condo or house nyo po, alam ko mahirap pero mapagtutulungan naman po sa abot ng ating makakaya, isa po akong Houseman, Laundryman sa aking trabaho dito sa Banff Alberta, marami rami na rin karanasan sa trabaho pero hindi po ako mapili dahil alam ko ito ang bumubuhay at sumusuporta sa aming pangangailangan ng aking pamilya sa Pilipinas, bagamat mahirap pero masaya naman po para sa ating mahal sa buhay, dahil may takot sa panginoon kaya lahat ng mga ginagawa ko sa buhay ko lahat itinataas ko sa kanya, nandito po ako para sa inyo at para sa investment na kinakailangan nyo para sa pamilya at sa future nyo maraming salamat po!