28/05/2026
Itinaas na ng Pag-IBIG Fund sa โฑ10 milyon ang maximum housing loan na maaaring hiramin ng mga miyembro upang mas mapalawak pa ang access sa pabahay, lalo na para sa mga middle-income earners sa mga lungsod.
Ayon sa ahensya, bahagi ito ng pagsuporta sa โ4PHโ housing program ng administrasyong Marcos na layong tugunan ang kakulangan sa abot-kayang pabahay sa mga matataong lugar gaya ng Metro Manila.
Batay sa ulat, marami pa ring hindi nabebentang condominium units sa Metro Manila dahil sa mabagal na demand, habang libo-libong bagong residential units pa ang inaasahang matatapos ngayong taon.
Hinimok naman ni Housing Secretary Jose Ramon Aliling ang mga property developer na magpatupad ng mas abot-kayang presyo at flexible payment terms upang mas maraming Pilipino ang makabili ng sariling bahay o condominium unit.
Sa ilalim ng bagong polisiya, maaari nang umutang ang qualified Pag-IBIG members ng hanggang 30 taong housing loan na may interest rate na nagsisimula sa 5.75%, habang mananatili naman ang 3% subsidized interest para sa socialized housing.
Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, posible ang pagtaas ng loan ceiling dahil sa matatag na financial status ng ahensya, kasabay ng pagpapanatili ng mas mababang interest rates kumpara sa karamihan ng commercial banks.
Tiniyak din ng Pag-IBIG Fund na mananatili ang mahigpit na pagsusuri sa kakayahang magbayad ng mga borrower upang masiguro ang maayos na pagbabayad ng housing loans.