22/10/2026
𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄, 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆!
Sa ikalawa at huling araw ng 2nd National Housing Expo 2026, patuloy naming nakasama ang mga pamilyang naghahanap ng sarili nilang tahanan.
Maraming bumisita sa aming life-sized Pasinaya Homes model house at nakilala ang iba pa naming pabahay: Pasinaya Heights, Pagsikat Place, Pagsibol Village, Zaya, Terraces at Tradizo, Terraces at Jubilation, at Agapeya Towns. 💛
Maraming salamat sa lahat ng bumisita sa Joy~Nostalg Hearth booth, gayundin sa DHSUD, Pag-IBIG Fund, at sa ating mga kapwa developers!
Tapos na ang Housing Expo, pero tuloy ang aming misyon na tulungan ang mas maraming pamilyang Pilipino na magkaroon ng sariling bahay.
🎥 Balikan natin ang mga kaganapan sa Day 2!