04/08/2026
BATANGAS TO QUEZON: UNANG BAHAGI NG SLEX TR4, BUBUKSAN BAGO MAGTAPOS ANG TAON
Inaasahang bubuksan bago matapos ang Disyembre ang unang tatlong package ng South Luzon Expressway Toll Road 4 (SLEX TR4) na sasaklaw mula Sto. Tomas, Batangas hanggang Tiaong, Quezon, ayon kay Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez.
Kapag naging operational, mababawasan sa 30 minuto mula halos dalawang oras ang biyahe sa pagitan ng Sto. Tomas at Tiaong. Sa oras namang makumpleto ang buong proyekto, magiging isang oras na lamang ang biyahe mula Batangas hanggang Lucena City mula sa kasalukuyang apat na oras.
Tinatayang 17,000 motorista ang makikinabang araw-araw sa P58.4-bilyong SLEX TR4 project.
Source: Remate